VICTORIA, Tarlac – Sa kulungan ang bagsak ng dalawa sa tatlong umano’y drug addict matapos maaktuhan sa shabu session sa Barangay San Fernando, Victoria, Tarlac, nitong Lunes ng hapon.

Kinilala ang mga naarestong sina Roldan Maniego, 23, construction worker; at Jirey Lindo, 19, estudyante ng Tarlac State University, habang nakatakas si Justice Alejandre, nasa hustong gulang, pawang taga-Victoria, Tarlac.

Una rito, nag-report umano sa pulisya ang asawa ni Alejandre na nauwi sa pagkakadakip sa dalawang kasamahan nito.

Nakarekober ang pulisya ng tatlong sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, sampung aluminum foil at disposable lighter. - Leandro Alborote

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog