CABANATUAN CITY - Tatlo umanong kilabot na magnanakaw ng mga mamahaling sasabunging manok ang naaresto ng mga kagawad ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) habang nagroronda sa Purok I, Barangay Talipapa sa Cabanatuan City, Nueva Ecija, nitong Sabado ng umaga.

Dinampot ng BPAT ang tatlong suspek na nasa akto ng pagbebenta ng umano'y nakaw ng mga tinale, na ang nabiktima ay si Aniceto Santos Jr., retiradong pulis at residente sa lugar.

Dakong 4:30 ng hapon nitong Sabado nang mamataan ang mga suspek na sina Arvin Asuncion y Carpio, 33, binata, ng Sitio Pulo, Bgy. Caalibangbangan; Gil Martinez y Damian, 38, may asawa; at Glenn Martinez y Damian, 39, kapwa taga-Bgy. Mayapyap Norte, Cabanatuan City.

Habang nasa akto ng pagbebenta ng mga nakaw na manok ay nahulihan pa umano si Glenn ng isang transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu. - Light A. Nolasco

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog