SANTIAGO, Chile (AP) – Ibinaon ng landslide na bunsod ng malakas na ulan ang isang pamayanan sa katimugan ng Chile nitong Sabado, iniwang patay ang tatlo katao at 15 iba pa ang nawawala, sinabi ng mga opisyal.
Umapaw ang ilog dahil sa ulan at gumuho ang isang bahagi ng burol. Nabaon ang 20 sa 200 kabahayan sa Villa Santa Lucia sa Los Lagos region, may 1,272 kilometro sa timog ng kabiserang Santiago.
Sinabi ni Deputy Secretary of the Interior Madmud Aleuy na dalawang babae at isang hindi makilalang turista ang kumpirmadong namatay, habang 15 iba pa ang nawawala.