Kritikal ang isang lalaki makaraang resbakan ng saksak ng isang barangay tanod malapit sa kanyang bahay sa Pasay City, nitong Sabado ng gabi.

Nasa ospital pa si Michael Cortez, 41, ng Electrical Road, Barangay 191, Zone 20, Pasay, sanhi ng tinamong mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nagsasagawa naman ng manhunt operation ang mga pulis laban kay Rodolfo Villafuerte, 37, barangay tanod.

Sa ulat ng Pasay City Police, nangyari ang insidente malapit sa bahay ni Cortez sa Electrical Road, Bgy. 191, dakong 11:00 ng gabi.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa inisyal na pagsisiyasat, nag-iinuman ang grupo ng biktima sa lugar nang tiyempong mapadaan ang suspek kasama ang ilang lalaki hanggang sa magkaangasan umano ang mga ito, na nauwi sa mainit na pagtatalo at suntukan.

Nang mapuruhan ng suntok si Villafuerte, galit siyang umuwi at kumuha ng kutsilyo bago binalikan si Cortez at pinagsasaksak. - Bella Gamotea