NAGTAPOS sa goalless draw ang duwelo ng Far Eastern University-Diliman at University of Santo Tomas, habang nagapi ng De La Salle-Zobel ang Ateneo, 4-2, kahapon sa second round action ng UAAP Season 78 juniors football tournament sa Rizal Memorial Stadium.

Isa sa pinakaproduktibong koponan, nabigo ang Baby Tamaraws na makaiskor sa unang pagkakataon ngayong season bunsod na rin g matibay na depensa ng Tiger Cubs na nagawang makihati ng puntos sa defending seven-time champion.

Nangunguna ang FEU matapos ang first round tangan ang 10 puntos, isang puntos ang abante sa nakabuntot ng tournament newcomer National University (9).

Umiskor naman sina John Rey Lagura, Joshua San Diego at Miguel Basmayor sa ika-44 , ika-58 at ika-62 minuto para sa 3-0 panalo ng Junior Archers.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Nagawang makaiskor ng Blue Eaglets mula kina Hugh Kendryx Lorenzo Soriano sa ika-76 minuto.

Nasa ikatlong puwesto ang Junior Archers na may anim na puntos, habang nasa ikaapat ang Tiger Cubs.