CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang tauhan ng Philippine Air Force (PAF) ng isa pang airman habang nag-iinuman, bandang 10:45 ng hapon nitong Biyernes, sa likod ng headquarters ng PAF sa Barangay Lumbia, Cagayan de Oro City.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Sgt. Renante Felerca Blanco, 39, may asawa, ng Bgy. Pulung Maragul, Angeles City, Pampanga, habang ang suspek ay si Airman 2nd Class Reymart Jayme Noquera, 26, may asawa, ng Fairview, Quezon City.

Ayon sa pulisya, ginamit umamit umano ni Noquera ang kanyang M-16 Elisco assault rifle sa pagbaril kay Blanco makaraang magtalo habang nag-iinuman.

Narekober mula sa lugar ng krimen ang 16 na basyong bala ng 5.56. - Camcer Ordoñez Imam

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae