Ni JIMI ESCALA

AFTER John Lloyd Cruz ay wala pang ibang nagiging boyfriend si Angelica Panganiban. Katwiran ng Kapamilya actress, hindi pa siya handang na pumasok sa bagong pakikipagrelasyon. Mas mainam sa ngayon na nasa career muna ang atensiyon niya.

ANGELICA copy

Pero inamin ni Angelica na may mga nagpaparamdam ng panliligaw sa kanya, pero pangbarkada at kaibigan lang ang nakikita niya sa mga ito.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

“Kapag may nami-meet ako, eh, talagang barkada ‘yung turingan namin. Wala akong nakikitang something na parang andu’n ‘yung sparks,” sey ng dalaga.

Ini-enjoy niya ngayon ang pagiging single. Maraming taon din daw naman kasi siyang mayroong karelasyon.

“Sa totoo lang naman, eh, sobrang tagal ko rin namang in a relationship kaya ngayon ko lang siguro na-enjoy talaga ‘yung maging mag-isa lang,” banggit ng magaling na aktres at idinugtong na sa pagiging single ngayon ay marami siyang nagagawa na hindi niya nabibigyan ng panahon noon.

Ito ang nakakapagpasaya sa kanya ngayon.

“Umakyat ako ng bundok, nakita ko ang Mt. Everest. Nakapanood ako ng mga concerts ng mga gusto kong artist, kaya parang sobrang happy na ako. Ang dami-dami kong nagawa sa loob ng isang taon na wala akong karelasyon,” masayang kuwento ng aktres.

Ibinida rin ni Angelica ang napakasayang bakasyon niya sa Siargao. Hindi niya makakalimutan ang naturang lugar.

“Sa totoo lang, eh, probinsyang-probinsiya ‘yung lugar. P’wede kang mag-motorbike kung saan ka pupunta na nakapaa ka lang. Sobrang saya ko talagang tumalon pa ako ng surf board, ‘tapos biglang nag-sink na sa akin ang ginawa ko the whole year,” lahad pa ni Ms. Angelica Panganiban.