Ni Nora V. Calderon

MAGKAKAROON ng seminar tungkol sa distribution at exhibition ng mga pelikula na pinagtulungang ihanda ng Movie Workers Welfare Foundation (Mowelfund) at National Cinema Association of the Philippines (NCAP). 

Gaganapin ito sa bukas (Huwebes, December 7) simula 9:00 AM hanggang 6:00 PM sa Sampaguita Gardens, Valencia, Quezon City.

Ang speakers at panelists ay sina Evelyn Advincula (operations manager ng Robinson’s Cinema), James Bartolome (booking manager, Ayala Cinemas), Christian Caparas (general manager, Vista Mall Cinemas), Dominic Du (NCAP), JJ Jacob (booking manager, Warner Brothers), Maan Lopez (booking manager, SM Cinemas) at Ronnie Ronquillo, (Columbia Pictures).

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ang seminar fee ay P1,000 para sa cost of materials, meals, seminar implements and information packages.

Ang mga gustong mag-participate ay maaaring tumawag sa Mowelfund Secretariat, 727-1915/727-1961, hanapin sina Emma Mon-alon, Edwin Joaquin at Ricky Orellana o kaya ay mag-email sa [email protected].