NI Beth Camia

Hawak na ni Pangulong Duterte ang rekomendasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay ng posibilidad na palawiging muli ang martial law sa Mindanao, na magtatapos sa Disyembre 31, 2017.

Ito ang kinumpirma kahapon ni AFP Chief of Staff Gen. Rey Leonardo Guerrero, sinabing nitong weekend pa naisumite sa Malacañang ang rekomendasyon ng militar sa martial law extension.

Gayunman, tumanggi si Guerrero na ihayag ang naging rekomendasyon ng AFP dahil ipinauubaya nila sa Pangulo ang pagdedesisyon.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Sa nasabing rekomendasyon, ipinaliwanag ng AFP ang kasalukuyang security situation sa bansa, ang mga development sa mga hakbanging pangseguridad, at ang aktuwal na sitwasyon sa mga lugar na may presensiya ng mga terorista.

Gayunman, nabanggit ni Guerrero na base sa monitoring ng militar, sa iba’t ibang panig ng bansa umaatake ang New People’s Army (NPA).

Umiiral ang batas militar sa buong Mindanao simula noong Mayo 23, nang salakayin ng mga teroristang Maute-ISIS ang Marawi City sa Lanao del Sur.