Ni: Liezle Basa Iñigo

Patay ang dalawang katao na magkaangkas sa motorsiklo matapos silang mabangga ng Isuzu trailer truck sa national highway of District 2 sa Benito Soliven, Isabela.

Ganap na 6:50 ng gabi nitong Linggo nang mangyari ang aksidente, na ikinasawi nina Teddy Alonzo, 49; at Melchor Chavez, 21, parehong karpintero at residente ng Barangay Gayung-Gayung Sur, Ilagan City, Isabela.

Ayon sa ulat, magkasalungat na binabagtas ng dalawang behikulo ang kalsada nang magkasalpukan sa zigzag road.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Mahaharap naman sa dalawang bilang ng reckless imprudence resulting in homicide and damage to property ang driver ng truck.