Ni JIMI ESCALA

DIRETSAHANG inamin ni Erich Gonzales na may mga manliligaw sa kanya ngayon at isa sa mga ito ang matiyagang naghihintay na makamit ang kanyang matamis na oo.

ERICH copy

Inamin din niya na ang naturang guy ang dahilan kung bakit siya masaya ngayon. Pero agad nilinaw ng dalaga na hindi pa niya ito opisyal na karelasyon kundi suitor pa lang.

Human-Interest

ALAMIN: Ano ang silbi ng ‘bollards’ at paano nito pinipigilan ang aksidente?

May mga pinagkaabalahan pa raw siya at showbiz commitments ang kanyang uunahin bago harapin nang seryosohan ang manliligaw.

“Sana lang makapaghintay pa siya. Hindi pa kasi ako ready sa ngayon. But still darating tayo riyan. Basta kung anuman ang maging ending ng patitiyaga niya, eh, malaman naman ninyo (kaharap na reporters),”sey ni Erich.

Dahil sa sunud-sunod na projects at dagdag pa ang desisyon niya na huwag munang magseryoso sa pakikipagrelasyon, tabi-tabi muna ang pagkakaroon ng boyfriend.

Ang huling karelasyon ni Erich ay ang model/actor na si Daniel Matsunaga.