ISTANBUL (Reuters) – Inuga ng magnitude 5.1 ang timog-kanlurang bahagi ng Turkey nitong Biyernes, kinumpirma ng Kandilli Observatory and Earthquake Research Institute ng Turkey.
Ang sentro ng lindol ay sa Aricilar-Ula district, timog-silangan ng probinsiya ng Mugla sa Aegean Sea, sa lalim na 6.3 km, ayon sa Kandilli Observatory.
Walang iniulat na namatay o napinsala sa lindol.