trace copy

GINAPI ng Trace College ang University of Nueva Careces, 51-45, para makopo ang PCCL National Collegiate Championship 3x3 Southern Luzon Leg kamakailan sa UNC Sports Palace sa Camarines Sur.

Hataw sina Renz Cortez, Aaron Carullo, Elison Honra, Gerald De Ada at Julius Herradula para mapanatili ng Trace College ang malinis na karta sa 10-team field sa Bicol region.

Nanguna si Cortez nay may 21 puntos, limang rebound at isang block, habang kumana si Aaron Carullo ng 15 puntos at limang rebounds para sa Trace.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ratsada si Joshua Villamor sa UNC sa natipang 33 puntos at walong rebounds.

Wala ring talo ang Computer Communication Development Institute sa elimination para sa ikatlong puwesto.

Ang iba pang koponan na sumabak sa Southern Luzon leg ay University of Perpetual Help – Molino, STI College Sta. Rosa, Bicol State College of Applied Sciences and Technology, University of Perpetual Help –Binan, Naga College Foundation, Naga College Foundation – High School at Mariners Polytechnic College Foundation.

Bilang kampeon , ang Trace College ang kakatawan sa Southern Luzon region sa National Grand Finals sa February 2018 sa Manila.