Ni: Mary Ann Santiago

Arestado ang isang 38-anyos na lalaki nang maaktuhang nang-umit ng tatlong hamon de bola sa loob ng isang supermarket sa Barangay Wack-wack, Mandaluyong City kamakalawa.

Kinasuhan ng theft ang suspek na si Eugene Villegas, residente ng naturang barangay, matapos damputin sa loob ng supermarket, na matatagpuan sa Epifanio delos Santos Avenue, kanto ng Julia Vargas Avenue, Ortigas Center, sa Bgy. Wack-wack.

Ayon kay Sherwin Pattawi, security guard ng supermarket, namataan niyang isinilid ng suspek ang mga hamon sa dala nitong bag, dakong 9:05 ng gabi.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Maya-maya ay umalis na sa establisyemento ang suspek nang hindi binabayaran sa cashier ang mga hamon, kaya agad na itong hinarang ni Pattawi.

Nabatid na ang naturang hamon ay nagkakahalaga ng P525 bawat isa.