Tiwala si Senador Leila de Lima na kayang lusutan ni dating Pangulong Benigno Aquino III ang mga kasong isinampa sa kanya sa Sandiganbayan kaugnay sa 2015 Mamasapano incident.

Sinampahan si Aquino ng kasong graft, usurpation of authority sa pagpayag sa suspendidong si Philippine National Police (PNP) chief Director General Alan Purisima na makialam sa operasyon na nagresulta sa pagkamatay ng 44 na miyembro ng Special Action Forces (SAF).

“President Aquino, as Citizen Noynoy, will now have the opportunity to present his case before our tribunals, of how he, as President, made the difficult choice of ordering the capture of a most wanted terrorist, but with the possibility of casualties on the government side, as what eventually happened,” ani De Lima. - Leonel M. Abasola

Tsika at Intriga

It's Showtime hanggang December 2024 na lang daw sa GMA, papalitan ng TiktoClock?'