Ni JIMI ESCALA

KINUMPIRMA sa amin ng fashion designer na kababayan namin sa Cebu at malapit na kaibigan ni Ellan Adarna na buntis nga raw ang huli. Aniya, mismong si Ellen ang nagbanggit sa kanya na maselan ang pagbubuntis nito sa panganay nila ni John Lloyd Cruz.

ELLEN AT JOHN LLOYD copy

Ito raw ang dahilan kung bakit biglang napaaga ang pag-uwi ng dalawa mula sa bakasyon. Hindi na rin sinipot ni Ellen ang Bench Fashion Show na isa sana ito sa nakatakdang rumampa.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Banggit ng source, nakahanda naman sanang sumipat si Ellen sa naturang fashion show pero dahil sa advice ng doctor at pati na rin ni John Lloyd mismo ay minabuti ni Ellen na manatili na lang sa bahay.

Matatandaang sumabog ang balitang magkarelasyon sina John Lloyd at Ellen nang maglabasan sa social media ang mga literatong kuha sa kanila na magkasamang nagbabakasyon sa Bantayan Island.

Lalong pinag-usapan ang relasyon ng dalawa nang lumabas ang video post na sinasabing lasing sila kasama ang ilang kaibigan at naka-dirty finger pa ang actor.

Hanggang ngayon ay hindi pa kinukumpirma nina Lloydie at Ellen ang pinagpipistahang relasyon at diumano’y pagbubuntis ng huli.

Naka-leave of absence pa rin si John Lloyd sa programa nilang Home Sweetie Home ABS-CBN, marami na ang nagtatanong kung kailan siya muling mapanood sa sitcom.

May usap-usapan sa Dos na itutuloy pa rin ang naturang show pero malamang na baguhin na ang istorya para maging akma sa tambalang Toni Gonzaga at Piolo Pascual na dapat ay guest lamang.