Ni Argyll Cyrus B. Geducos

Pinag-aaralan ni Pangulong Duterte ang paglalabas ng proklamasyon na magdedeklara sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) bilang mga terorista.

Ito ay makaraang mapaulat na nagsagawa ang NPA ng pananambang sa isang convoy ng mga pulis sa Talakad, Bukidnon nitong Nobyembre 19, na ikinasawi ng isang apat na buwang sanggol.

Sinabi ni Duterte na hindi na kikilalanin ang CPP-NPA bilang “legitimate rebels”, at magpapalabas siya ng proklamasyon na magdedeklara sa mga ito bilang mga terorista.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Noon we recognized them as legitimate rebels but with their continued depredations and killing innocent people and even an infant, four months old,” sinabi ni Duterte sa mga mamamahayag sa Davao City nitong Sabado ng gabi.

‘CRIMINALS
 TERRORISTS’

“I’ll be issuing a proclamation. I will remove them from the category of [a legal] entity or at least a semi-movement which would merit our attention—placing them pareho sa Amerika [as] terrorists,” sabi ng Pangulo.

Sinabi ni Duterte na hindi na maaaring kasuhan ng rebelyon ang mga miyembro ng CPP-NDF-NPA dahil bailable ang nasabing kaso, maliban sa pinuno ng grupo.

“We will file terrorist, murder lahat. Arson with murder. Lahat na. Because I would consider them criminals already,” ani Duterte. “Wala nang istorya. We will consider them terrorists. Ordinary brigands and no more about principles there. You are not fighting for any principle. My God, killing a four-year-old infant?!”

WALA NANG USAP-USAP

Sinabi rin ng Pangulo na wala na siyang planong ipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan sa CPP-NPA-NDF, partikular matapos ang ambush, na ayon sa kanya ay “intentional”.

“No, I am no anymore inclined to [pursue the peace talks with them]. Ayaw kong makipag-usap sa kanila. ‘Di lang, nagpapahinga lang mga sundalo ko. But we will also go to the offensive,” sabi ni Duterte.

“You know, that is an intentional act. It is not an accident. ‘Wag mong sabihin ‘di mo alam ‘yan na may disgrasya ‘yang bata namatay,” dagdag pa niya. “There is pure malice there. Criminal intent. That is what the law says.”

WELCOME ANG MGA SUSUKO

Sinabi ni Duterte na hindi na siya naniniwala sa “lousy statement” ng NPA na nakikipaglaban ang mga ito para sa mamamayan.

“They say that they fight for the people? What a lousy statement actually,” anang Pangulo. “We will study and maybe we will have a crackdown here somewhere. Nagsasawa na ako dito sa kalokohan nila. So ‘yang lahat ninyong pretending to be speaking for the people, legitimate kunwari.”

Nilinaw naman ng Pangulo na tatanggapin niya ang lahat ng rebeldeng nais sumuko sa gobyerno at bibigyan niya ang mga ito ng trabaho.