Ni JOJO P. PANALIGAN

NALUNOD ang Hashtags member na si Franco Hernandez nitong Sabado sa Davao Occidental.  Siya ay 26.

Ayon sa ulat ng pulisya, si  Franco at ang kanyang girlfriend kasama ang isa pang miyembro ng boy group na si Tom Doromal, ay pabalik na sa North Lamidan sakay ng bangka nang hampasin ng malaking alon na ikinahulog sa tubig ni Franco at ng kasintahan niya.

Franco Hernandez
Franco Hernandez
Naiahon din sa tubig ang dalawa ngunit wala nang malay si  Franco. Idineklara siyang dead on arrival dakong 7 PM sa isang klinika sa bayan ng Malita.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

Nagpahayag ng kalungkutan ang manager ni Franco na si Erickson Raymundo ng Cornerstone, sa social media account nito makalipas ang  ilang  oras.

“It is with deep sadness and grief that we accept the news of Franco Miguel Hernandez Lumunlan aka ‘Hashtag Franco’s’ passing today. 

He was a very promising talent and a true star in every sense of the word. He was passionate, hardworking, humble and liked by all. He lived his life following his dreams and made every second count. 

Franco was not just our talent, he was part of our family.  And our hearts break into a million pieces for such a young life gone too soon. 

We will surely miss him. 

Rest In Peace our ever dearest Franco,” saad sa pahayag ni Erickson.