BEIJING (AP)— Gumastos ang mga Chinese ng bilyun-bilyong dolyar para sa mga bagay mula sa diapers hanggang diamonds sa `Singles Day,’’ isang araw matapos ang promosyon na lumago na at naging world’s biggest e-commerce event.

Sinabi ng Alibaba Group, ang pinakamalaking e-commerce giant ng China, nitong Linggo na ang benta ng libu-libo nitong retailers sa platforms sa loob ng 24-oras nitong Linggo ay umabot sa 168.3 bilyon yuan ($25.3B), nagtala ng bagong record para sa kumpanya. Ito ay 39 porsiyentong mas mataas kaysa naitalang sales na naitala noong nakaraang taon sa Alibaba platforms na nasa 120.7 billion yuan.

Kung ikukumpara, ang mga Amerikano ay gumastos ng mahigit $5 bilyon sa online shopping sa Thanksgiving Day at Black Friday, ayon sa Adobe, na sumusubaybay sa data. Gumastos din ang mga mamimili ng $3.39B sa Cyber Monday noong nakaraang taon, ang pinakamalaking single online shopping day sa U.S., ayon sa Adobe.

Sinimulan ng Chinese college students ang Singles Day noong 1990s bilang bersiyon ng Valentine’s Day para sa mga walang romantic partners.
Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM