Ni ADOR SALUTA

WALA pang isang linggo pagkatapos ipalabas sa mga sinehan nationwide last November 1 ang The Ghost Bride, inihayag na ng Star Cinema na kumita na ang bagong Chito Roño film ng P51.5 million in the Philippine box-office.

kIM copy copy

Pinagbibidahan ang horror movie ni Kim Chiu bilang si Mayen na gustong tulungan ang homeless na pamilya at nakaratay na ama.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Desperadong tinanggap ni Mayen ang offer ng Chinese matchmaker (Alice Dixson) kapalit ang malaking halaga. Pero ang pakakasalan niya ay patay nang mayamang Chinese man.

Wala siyang kamuwang-muwang na may sumpa siyang kahaharapin. 

Sa Instagram, nagpasalamat si Kim sa mga nanood:

“Maraming-maraming salamat po!!! gusto kong mag-rollercoaster/bungeejumping/skydiving ng sabay-sabay para isigaw ‘yung sayang nararamdaman ko ngayon!!! Maraming salamat po! Sa mga hindi pa nakanood watch na po kayo!!!

#forevergrateful #salamatpapaGod thank you direk @chitorono thank you @starcinema family!” 

 

Kasama ni Kim sa Ghost Bride sina Matteo Guidicelli, Christian Bables at Mon Confiado, among others — at Graded A ito ng Cinema Evaluation Board.