NI: Francis T. Wakefield

Walong Lumad na miyembro ng New People's Army (NPA) ang sumuko sa mga awtoridad sa Sultan Kudarat nitong Huwebes.

Inihayag ni Captain Rogelio Agustin Jr., commanding officer ng Charlie Company ng 33rd Infantry Battalion ng Philippine Army, na ang mga nagbalik-loob na rebelde ay nagsuko rin ng dalawang M16A1 assault rifle at dalawang malaking bomba, sa seremonya sa kagubatan ng Barangay Kuden sa bayan ng Senator Ninoy Aquino.

“They were very tired and hungry after months of evading our patrols in the forests. It is fortunate that they heard about the good stories about the other rebels who had surrendered to our unit in the past months,” ani Agustin.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Inamin naman ni 1st Lt. John Jamora, commander ng Alpha Company, na sina Ka Bobby at Ka Jimboy—mga lider ng Platoon Cloudphone na sumuko noong Setyembre—ang namuno sa pakikipagnegosasyon sa mga dating tauhan ng mga ito.

Isa sa mga sumuko ang 37-anyos na si Michael Galing, na nagsabing alam niyang kumikilos ang gobyerno upang resolbahin ang problema ng kanilang komunidad, partikular na sa pangangamkam ng lupa.