Binaril ang isang barbero ng hindi pa nakikilalang armado sa loob ng shop na kanyang pinagtatrabahuhan sa Quezon City, nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ng mga tauhan ng Quezon City Police District PS-6 ang biktima na si Arthur Fabia, 43, tubong Samar at stay-in na barber sa isang barber shop sa Pilot Drive, Barangay Commonwealth.

Ayon sa isang saksi, abala siya sa panonood ng basketball na malapit sa terminal ng tricycle nang marinig ang putok ng baril, dakong 9:15 ng gabi.

Makalipas ang ilang minuto, napansin niya ang komosyon sa tapat ng isang barber shop. At nang silipin, nakita niya ang duguang bangkay ni Fabia habang nakaupo sa upuan sa loob ng barber shop.

National

Alice Guo, ililipat sa Pasig City jail kaugnay ng kasong qualified trafficking

Ayon sa mga imbestigador, nagpapahinga lamang si Fabia sa upuan nang barilin ng armado.

Agad nasawi si Fabia sanhi ng bala sa kanang baba at sa kanyang batok.

Kasalukuyang tinutugis ang suspek. - Alexandria Dennise San Juan at Jun Fabon