Ni: Light A. Nolasco
SAN ISIDRO, Nueva Ecija - Minalas na hindi nakaligtas sa kamatayan ang isang 51-anyos na magsasaka makaraang pagtatagain ng matagal na niyang kaalitan nang magkaroon sila ng mainitang pagtatalo sa Purok 5, Barangay Alua sa San Isidro, Nueva Ecija, nitong Miyerkules ng umaga.
Kinilala ng San Isidro Police ang nasawing biktima na si Alberto Arellano y Liwag, magsasaka, ng Bgy. Sto. Niño, Gapan City, na nagtamo ng malalalim na taga ng itak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Kaagad namang naaresto si Toto Perez, magsasaka, ng Bgy. Bayanihan, Gapan City.
Dakong 11:50 ng umaga nang magpang-abot ang dalawa na sa gitna ng pagtatalo ay nauwi sa pananaga ng suspek sa biktima.