Ni ADOR SALUTA

SINAWAY ni Angel Locsin ang isang netizen na nagsabing “La Luna Sangre got its worst rating ever.”

Ipinost ito ng fan na may Twitter handle na @kapamilyatwist2 sa microblogging site:

“BEST EPISODE EVER ‘daw’ yung friday 10/20/2017 episode ng #LaLunaSangre pero mukhang WORST rating ever din. char!

Human-Interest

Netizens nanimbang sa nakaambang buwis sa freelancers, digital workers

ANGEL copy

#LLSBagongPinuno”.

Sinagot ito ni Angel ng: “Behave please :)”

Gayunpaman, kahit siya ang nagtatanggol, lumalabas na hindi kasama si Angel sa nasabing episode.

Nagpaliwanag ang fan: “Sorry madam! I am just defending u fr. those tards na feelingeras. u were not there sa fri epi pero they were stl bashing u. bebehave na po :)”

Nagkakaroon kasi ng sigalot ang fans ni Angel at ang ilang fans ng KathNiel na panay ang bash sa una. Pero mukhang hindi nakakaganda sa image nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang nangyayari. Matagal nang sinasaway ng KathNiel ang bad treatment ng ilang KathNiel fans kay Angel, kaya iyon din ang ginagawa ni Angel kapag may tagahanga siyang gumaganti.

Batay sa viewership survey data ng AGB at Kantar, lamang na lamang ang rating ng La Luna Sangre sa katapat nito sa GMA-7 na Alyas Robin Hood.

Last Friday, nakakuha ang La Luna Sangre ng AGB rating na 10.2%, samantalang ang Alyas Robin Hood na pinagbibdahan ni Dingdong Dantes ay nagtamo naman ng 7.7%.

Based naman sa Kantar Media ratings, mas malaki ang lamang ng La Luna Sangre sa katapat. Mayroong 29.8% and La Luna samantalang 13.7% naman ang Alyas Robin Hood.

Nitong nakaraang Lunes, super viral ang revelation sa La Luna Sangre na si Angel ay hindi lang pala si Jacintha Magsaysay kundi siya rin ang tinatawag na Lady in Red.

Wala pa kaming nakukuhang resulta ng ratings pero tiyak na mataas na naman ang naturang episode.