Ni ADOR SALUTA

MARTES, Oktubre 17, ang “Magpasikat” number ng Team Vice, Juggs at Teddy sa ongoing anniversay celebration ng It’s Showtime. Noong nakaraang Lunes, Oktubre 16, sina Billy Crawford, Amy Perez at James Reid ang unang nagpasiklab sa kanilang “Salamangka” production number.

TEDDY AT JASMIN copy

Pero sinorpresa ng It’s Showtime host at Rocksteddy band member na si Teddy Corpuz ang madlang pipol nang mag-propose siyang muling pakasalan ang wife na si Jasmin for the second time, on live TV.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Emosyonal siyang nagbigay ng mensahe sa kanyang wife.

“Eleven years ago nu’ng magkakilala tayo. Noong una pa lang kitang makita alam kong ikaw na ‘yung babaeng para sa akin,” umpisa ni Teddy habang ginaganap ang show sa loob ng Studio 3 ng ABS-CBN. “Lagi mong sinasabi sa’kin na never akong nag-propose sa’yo. Kaya nga, sa harap mo at sa harap ng buong mundo, gusto kitang tanungin. Babe, will you marry me again?” ani Teddy habang nagpapahid ng luha.

“Yes” naman ang sagot ni Jasmine.

Agad niyang isinuot ang bagong wedding ring na aniyang pinag-ipunan niya sa ring finger ng kanyang wife.

Si Jasmine na nasa audience kasama ang kanilang dalawa anak ay iniskortehan ng staff at binihisan ng nakahandang wedding gown bago nagtungo sa stage.

Muling nagsumpaan ang dalawa sa harap ni Pastor Joseph Etienne Morales sa stage ng It’s Showtime. Nag-kiss sila nang muling ipahayag na sila ay mag-asawa na. Si Vice Ganda ang umawit sa wedding ceremony.

Ayon kay Teddy, hindi niya sinabi kaninuman ang plano niya, pati na sa kanilang mga anak, na muli niyang yayayaing magpakasal si Jasmine. Ang sabi niya sa asawa at mga anak, magkakaroon sila ng pictorial sa kanyang co-host na si Anne Curtis para sa nalalapit nitong kasal with Erwin Heusaff sa December.