NI: Noel Ferrer

MATINDING tapatan na naman ang magaganap sa Sabado sa noontime TV.

Kung ang It’s Showtime ay all-out musical variety ang ihahandog sa Sabado with the culmination of their week-long “MagpaSikat” segment tampok ang kakaibang pagtatanghal ng kanilang hosts during the entire week of the 8th anniversary presentation with bigating hurados led by no less than the Diamond Star Maricel Soriano, kumambiyo naman ng kaunti ang Eat Bulaga.

As timely as the millennials’ concern about depression and suicide, nakapaghanda sila ng special telemovie na pinamagatang “Love Is...” tampok sina Alden Richards at Maine Mendoza sa direksyon ni Adolf Alix, Jr.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Tinapos nila kahapon ang taping na may guests at support characters na couples tulad nina Nonie at Shamaine Buencamino, Precious Lara Quigaman at Marco Alcaraz at ang bagong engaged na sina Rodjun Cruz at Dianne Medina.

Sa mga ganitong tapatan ng mga espesyal ng TV shows, nananatiling healthy ang competition sa mga tao at networks na involved; at ang ultimate na panalo ay tayo - ang audience!