ILOILO CITY— Muling binuksan kahapon ang Iloilo International Airport, matapos isara dahil sa aksidente sa runway nitong Biyernes.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), sinimulan ang pagtanggal sa erpolano ng Cebu Pacific, na sumadsad mula sa runway, pasado 11:00 ng gabi nitong Biyernes.

Una nang inanunsiyo ng CAAP na Sabado ng gabi bubuksan ang airport, ngunit ayon kay CAAP Spokesman Eric Apolonio ay nahirapan ang mga tauhan nito na hatakin ang eroplano dahil umuulan at mahangin.

Naantala ang mga flight ng Cebu Pacific, Philippine Airlines (PAL) at AirAsia na papasok at papalabas ng Iloilo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Inilipat ang mga naabalang pasahero sa mga airport sa Roxas City sa Capiz, Kalibo sa Aklan at Silay City sa Negros Occidental.

Pinabulaanan ni Apolonio ang mga online report na bumigay ang pakpak ng eroplano.

Hindi rin totoo ang kuwento ng isang pasahero na umabot ang eroplano hanggang sa isang palayan, dagdag niya. - Tara Yap