Ni: Mike U. Crismundo

BUTUAN CITY – Niyanig ng tatlong mahihinang lindol ang Surigao del Norte at Davao Oriental, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Gayunman, inihayag ng ahensiya na walang nasaktan o napinsala sa insidente.

Naitala ang 2.3 magnitude dakong 7:00 ng gabi nitong Biyernes sa anim na kilometro sa hilagang-kanluran ng Mainit, Surigao del Norte, at may lalim na isang kilometro.

Probinsya

2 roving pulis, patay sa tama ng kidlat

Bandang 7:41 ng umaga kahapon nang yanigin ng 2.4 magnitude ang 51 kilometro ng kanlurang-silangan ng Governor Generoso, Davao Oriental, na may lalim na 24 na kilometro, ayon sa Phivolcs.

Una rito, bandang 12:10 ng umaga ng parehong araw nang naitala ang 2.3 magnitude sa 44 na kilomtero ng hilagang-silangan ng Baganga, Davao Oriental, na may lalim na 44 na kilometro, anang Phivolcs.