Ni: Noel D. Ferrer

WALA man bagong pelikula, kapuri-puri pa rin ang pagpupunyagi sa larangan ng public service ng ating Star For All Seasons na si Congresswoman Vilma Santos.

Cong. Vi copy

Pagkatapos parangalan sa isang Congressional Resolution para sa awards na natanggap niya sa pelikula (Eddys, Star at Urian), tinanggap din ni Ate Vi ang Most Influential Star Endorser award mula sa 7th EdukCircle at meron pang parating na Gawad Amerika na personal na igagawad sa kanya sa mga araw na darating.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Bilang public servant at kinatawan ng kanyang distrito sa Batangas, sa Lipa City, kasama si Ate Vi 26 legislators na nag-file ng resolution na sumusuporta sa constitutional independence and integrity ng Office of the Ombudsman sa kabila ng pagbabanta ng Malacañang. 

Resolution 1395 was filed following Duterte’s statement that he will file an impeachment complaint against Ombudsman Conchita Carpio-Morales for being part of the “conspiracy” to oust him from office and for employing “selective justice.”

Sa isang resolusyon na ipinasa kamakailan, inayunan ni Ate Vi na the Office of the Ombudsman was created under the 1987 Constitution to act as an independent body to serve as protectors of the people against the “inept, abusive and corrupt in government.”

“The framers of the Constitution intended that these independent bodies be insulated from political pressure to the extent that the absence of independence would result in the impairment of their core functions to shield it from the pressures and influence of officialdom and partisan politics and from fear of external reprisal,” saad ng resolusyon.

Kasama si Ate Vi sa 21 pumirma ng pagsuporta sa Ombudsman who is looking into the alleged hidden wealth ng Presidente. 

Hindi ang creation ng isa pang commission na mag-iimbestiga ng alleged anomalies ang solusyon ayon sa ating butihing Kongresista. 

Dapat panatilihin natin ang tiwala sa kredibilidad ng existing institusyon. 

‘Yan si Vilma Santos, sa kabila ng pagiging mahusay na artista, ina at asawa, isa siya sa iilang pinaghuhugutan natin ng inspirasyon sa pamahalaan ngayong napakamapaghamong panahon.

Excited akong makita siyang muli sa susunod naming serbisyo sa industriya sa Metro Manila Film Festival Executive Committee. 

Mabuhay ka, Ate Vi!