Ni MARIVIC AWITAN

HABANG papalapit sa makasaysayang elimination round sweep ng NCAA Season 93 men’s basketball tournament ang Lyceum of the Philippines University, nagsisimula namang maging ‘tila magaan ang lahat para sa kanilang lider na si CJ Perez.

Tulad ng dati, nanguna muli sa atake ng Pirates si Perez nang makamit nila ang ika-16 na sunod na panalo sa pamamagitan ng 81-69 paggapi sa Letran Knights nitong Biyernes.

Lyceum's CJ Perez goes for the layup against Arellano's Allen Enriquez (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)
Lyceum's CJ Perez (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)
Naiposte ni Perez ang 10 sa kanyang kabuuang 24 puntos sa huling pitong minuto ng final period upang pigilin ang lahat ng pagtatangkang pagbalik ng Knights at makalapit sa target na 18-game sweep.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Dahil sa kanyang ipinakitang performance, si Perez muli ang napili para maging Chooks to Go NCAA Press Corps Player of the Week.

At gaya ng dati, muli namang binigyang papuri ni Pirates Coach Topex Robinson si Perez.

“Conscious siya ‘pag nagkamali siya. He knows na nagkamali siya. One thing I like about him, and I always try to brag about my coaches in Alaska, he will never blame ‘yung kasama,” wika ni Robinson.

“Hindi siya ‘yung…‘pag hindi pinasahan magagalit. He knows that kumbaga, he knows (he needs) the support of everyone,” aniya.

Ito ang ikalawang pagkakataon na itinanghal si Perez bilang recipient ng weekly award.

Kabilang sa kanyang mga naungusan para sa parangal sina Mapua guard Andoy Estrella, San Beda forward JV Mocon, Jose Rizal gunner Jed Mendoza. at Arellano ace play maker Kent Salado.