Ni: Fer Taboy

Isiniksik sa compartment ng pampasaherong bus ang isang konduktor matapos na holdapin ng mga hindi nakilalang kawatan na nagpanggap na pasahero sa Barangay Lusacan, Tiaong, Quezon, kahapon.

Ayon sa Tiaong Municipal Police, binabaybay ng P&O Bus ang Maharlika Highway nang huminto dahil papasakay ang mga suspek.

Tinutulungan pa umano ni Errol Espina, 30, konduktor ang mga suspek na ilagay sa compartment ang mga dalang gamit, nang bigla nitong tinutukan ng baril ang biktima at si Rizalito Sibulo, 49, driver, at itinulak sa compartment ang Espina.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Tinangay ng kawatan ang P8,000 kita ng bus bago mabilis na tumakas.