Ni: Liezle Basa Iñigo

Arestado ang isang empleyado ng munisipyo sa ikinasang buy-bust operation sa Purok 2, Barangay Calaocan, Santiago City, Isabela.

Dakong 7:15 ng gabi nitong Huwebes nang madakip si Ireneo “Inyong” Apelo Tolentino, 46, empleyado ng Santiago City, at residente sa nabanggit na lugar.

Nakumpiska umano mula sa suspek ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu, at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165).

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog