Ni: Liezle Basa Iñigo

Nadakip ng San Quintin Police sa Pangasinan ang umano’y mga drug trafficker sa Quezon City, matapos ang buy-bust operation sa Barangay Poblacion Zone 1 sa San Quintin, Pangasinan.

Kinilala ni Senior Insp. Napoleon Eleccion Jr., hepe ng San Quintin Police, ang mga suspek na sina Wiliam Reyno at Alex Dino, kapwa taga-Quezon City.

Lunes ng hapon nang inaresto ang dalawa matapos umanong magbenta at makumpiskahan ng limang sachet ng shabu.

Probinsya

15-anyos, patay sa pagsabog ng isang bagay na napagkamalang gold bar!

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory sa Lingayen na tunay na shabu ang nakuha sa mga suspek.