Ni: Orly L. Barcala

Patay ang dalawang lalaki na magkasunod na nahulog sa creek sa Malabon City, nitong Lunes ng gabi at Martes ng madaling araw.

Habang isinusulat ang balitang ito, hindi pa rin nakikilala ang mga biktima na kapwa nalunod matapos mahulog sa creek sa Lapu-Lapu Street, Barangay Longos ng nasabing lungsod.

Sa report ng Malabon Bureau of Fire Protection, naganap ang unang aksidente dakong 10:00 ng gabi.

National

Socmed platforms puwede i-regulate pero 'di ang content sey ni Roman: 'It's unconstitutional!'

Sumunod na nahulog ang isa pang biktima nang tumuntong sa gilid ng creek, dakong 1:00 ng madaling araw nitong Martes.

Ayon sa awtoridad, kapwa dayo ang mga biktima dahil walang nakakakilala sa mga ito.