Ni: Light A. Nolasco

CABANATUAN CITY – Limang umano’y kilabot na drug personalities ang napatay sa operasyon ng mga awtoridad, at nakumpiskahan umano ng mga baril at droga sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Sa ulat na nakalap ng Balita sa tanggapan ni Supt. Ponciano Zafra, hepe ng Cabanatuan City Police, nakilala ang mga napaslang na sina Marco Sagnit Malubay, 28; Eduardo Flores Sagnit, 60, kapwa taga-Purok I, Barangay Lagare; Ronnie Malubay Caparas, 22, ng Purok 4, Bgy. MS Garcia; Alfredo Carpio Martinez Jr., 32; at Nepomuceno Catolico Esguerra, 53, pawang ng Purok Yakal, Bgy. Lourdes, Cabanatuan.

Dakong 7:00 ng gabi nitong Miyerkules nang makasagupa ng mga awtoridad sina Malubay, Sagnit at Caparas sa buy-bust operation sa Bgy. Lagare, at nakuhanan ng isang sachet ng shabu, dalawang .38 caliber revolver, at isang .45 caliber pistol.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Sa may Briones Subdivision sa Bgy. San Isidro naman nakaengkuwentro umano ng mga pulis sina Martinez Jr., at Esguerra, na nakuhanan ng limang sachet ng hinihinalang shabu, isang baril, at drug paraphernalia.