HANDA si Alvin Pasaok ng University of the East na sipain ang bola para mapigil ang pasa ni Thirdy Ravena ng Ateneo sa isang tagpo ng kanilang laro sa UAAP seniors basketball tournament kahapon sa MOA Arena.  Nakopo ng Ateneo ang 83-65 panalo para sa 4-0 karta. (MB photo | RIO DELUVIO)

MATAYOG ang lipad ng Ateneo Blue Eagles.

Nabigo ang University of the East Warriors na makaiwas sa matalas na kuko ng Eagles, sa pangunguna ni Thirdy Ravena na kumana ng 28 puntos, tungo sa 83-65 panalo kahapon sa UAAP Season 80 men’s basketball tournament sa MOA Arena.

Nakopo ng Ateneo ang ikaapat na sunod na panalo para manatili sa solong liderato, habang lungaygay ang Warriors sa ikaapat na sunod na kabiguan.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Ratsada ang Blue Eagles sa 18-6 run, tampok ang two-handed dunk ni Ravena para tuluyang ilayo ang bentahe sa 52-37 sa kaagahan ng third period.

Nag-ambag ang kambal na sina Matt at Mike Nieto sa naiskor na 11 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod, habang kumubra si Aaron Black ng 10 puntos,a pat na rebounds at dalawang assists mula sa bench.

Nanguna si Alvin Pasaol sa UE sa natipang 22 puntos.

Iskor:

ATENEO (83) - Ravena 21, Nieto Ma. 11, Black 10, Nieto Mi. 10, Tolentino 9, Asistio 8, Verano 4, Porter 3, Ikeh 2, Go 2, Mendoza 2, Tio 1, White 0, Mallillin 0, Mamuyac 0, Andrade 0.

UE (65) - Pasaol 22, Abanto 10, Maloles 9, Derige 6, Acuno 5, Bartolome 4, Olayon 4, Conner 3, Varilla 2, Manalang 0, Cullar 0, Armenion 0, Gagate 0.

Quarterscores: 18-11, 32-23, 60-52, 83-65.