ASHGABAT, Turkmenistan – Nagkasya sa silver medal si muay thai fighter Phillip Delarmino nang mabigo kay Turk Chotichanin Kokkrachai, 30-27, sa final ng muay event ng 5th Asian Indoor and Martial Arts Games (AIMAG) nitong Huwebs dito.
Umakyat s championship match si Delarmino nang makaiskor ng 30-27 kontra Rusdem Bayramdurdyyew ng Turkmenistan sa -57kg semifinals match.
Matikas na nakihamok ang 26-anyos na pambato ng Iloilo City, ngunit naging mas mabilis ang kilos ng karibal sa krusyal na sandali para maitakas ang panalo. Nakapagwagi rin si Delarmino ng silver medal sa Asian Beach Games noong 2014 at silver sa 2013 Southeast Asian Games sa Myanmar.
Nakopo naman nina Francis Aaron Agojo, natalo kay Jang Jun of South Korea (34-9) sa -58kg semifinals, at Jefferson Manatad, nabigo kay Kazakhstan’s Aldos Kulmanbetov (5-0) sa -80kg Classic Style ang bronze medal.
Nakuha naman ni Al Rolan Llamas ang bronze medal nang mabokya sa semifinals kontra Erkin Omurzakow ng Turkmenistan, 10-0, sa men’s -60kg weight class.
Nabigo naman sa medal round sina wrestlers Noemi Tener (women’s classic style -60kg), Grace Loberanes (-50kg), Michael Vijay Cater (men’s classic style -55kg), Christof Hofmann Jr. (-90kg) at Jonathan Maquilan (-65kg).