Isang benefit concert para sa Marawi City ang idadaos ngayong gabi sa San Juan City.

May titulong “San Juan para sa Marawi”, layunin nitong makalikom ng pondo para sa mga biktima ng giyera sa Marawi City. Gaganapin ito sa Filoil Flying V Centre, at tampok ang mga beteranong mang-aawit na sina Basil Valdez, Celeste Legaspi, Ryan Cayabyab at The Company.

Umaasa si San Juan City Mayor Guia Gomez na maraming susuporta sa konsiyerto, na ang tiket ay nasa P300 lamang, dahil bukod sa mag-e-enjoy na sila ay makakatulong pa sa mga biktima ng giyera sa Mindanao. - Mary Ann Santiago
Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'