Ni JIMI ESCALA

NAGPAHAYAG si Jolina Magdangal na ready na sila ni Mark Escueta na sundan ang kanilang anak. Tatlong taon na raw kasi ang panganay nilang si Pele kaya it is about time na masundan na.

MARK PELE AT JOLINA copy

Ayon kay Jolens, sana’y babae ang magiging pangalawang anak nila. Pareho raw nilang pangarap na magkaroon ng anak na babae. Kaya nga raw desidido na silang masundan si Pele.

Kahayupan (Pets)

Hit-and-run survivor na pusa, 3 taon nang naghahanap ng 'FURever' home

Kuwento pa ng co-host nina Karla Estrada at Melai Cantiveros sa Magandang Buhay, kahit parehong super busy silang mag-asawa, hands-on sila sa anak nila at wala itong yaya, hindi kagaya ng mga anak ng ibang showbiz celebrities.

Dagdag pa ni Jolina, exposed ang anak niya sa trabaho nilang mag-asawa dahil madalas nila itong isinasama sa mga taping at shooting.

Mag-aanim na taon nang kasal sina Jolina at Mark at sa November uli nila isi-celebrate ang kanilang anibersaryo.

Samantala, masaya naman si Jolina sa takbo ng kanyang showbiz career sa original home studio niya, ABS-CBN. Ang hubby niya ay aktibo pa rin sa bandang Rivermaya.