Ni: Beth Camia

Pormal nang binuksan ng Judicial and Bar Council (JBC) ang paghahanap ng mga bagong mahistrado para sa Court of Appeals (CA) at Sandiganbayan.

Ito’y kasunod ng promosyon ni Sandiganbayan Justice Alexander Gesmundo bilang associate justice sa Supreme Court (SC) at optional retirement ni CA Justice Melchor Quirino Sadang.

Itinakda sa Nobyembre 2 ang deadline sa pagsusumite ng application at documentary requirements ng mga aplikante.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Sa Setyembre 25 naman ang public interview sa mga kakandidato bilang CA presiding justice kapalit ni Justice Andres Reyes Jr. na itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang SC associate justice.