MAAGANG nanguna sina fifth seed Fiona Guirhem sa juniors division, habang naungusan ni No. 2 Allan Pason si top seed Felix Balbona sa seniors play para mamnguna matapos ang ikaanim na round ng 25th Shell National Youth Active Chess Championship Visayas leg nitong Sabado sa SM City Cebu.

Nagsosyo naman sina top seed Jerish Velarde at No. 20 Jeraian Cagang sa kiddies class tangan ang parehong 5.5 puntos sa grassroots chess development program na itinataguyod ng Pilipinas Shell.

Ginapi ni Guirhem, miyembro ng Central Philippine U, sina Braven Maralil, Adelyn Bensi at Marie Valencia, habang nakihati ng puntos kay Cyril Telesforo bago nanaig kina Remegio Galenzoga III at Jeremy Tanudra para manguna sa 13-16 age bracket tangan ang 5.5 puntos.

Nakabuntot na may kalahating puntos ang layo sina top seed Chris Pondoyo, Manilyn Cabungcag, Jave Peteros, Alphecca Gonzales, Jane Quinanola, Reishi Polan, Telesforo at Tanudra, sapat para maging dikdikan ang laban sa huling tatlong round ng torneo na may basbas ng National Chess Federation of the Philippines.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?