KABILANG ang Philippine men’s archery team na binubuo nina (mula sa kaliwa) Earl Benjamin Yap, Joseph Vicencio at Paul Marton Dela Cruz sa mabibigyan ng cash incentives sa gagawing awarding ceremony ngayon sa Malacañang. Nagwagi ang koponan ng bronze medal sa 29th Southeast Asian Games.  (MB photo | ALI VICOY)
KABILANG ang Philippine men’s archery team na binubuo nina (mula sa kaliwa) Earl Benjamin Yap, Joseph Vicencio at Paul Marton Dela Cruz sa mabibigyan ng cash incentives sa gagawing awarding ceremony ngayon sa Malacañang. Nagwagi ang koponan ng bronze medal sa 29th Southeast Asian Games. (MB photo | ALI VICOY)

P16-M cash incentives sa Pinoy SEAG medalist, ipagkakaloob ngayon sa Malacañang

Ni EDWIN ROLLON

KUNG magpatuloy man ang pag-ulan, walang alalahanin ang mga atletang nagwagi ng medalya sa katatapos na 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Sa kabila ng presensiya ng bagyong ‘Maring’, inaasahan ang pakikiisa ng Pangulong Rodrigo Duterte para magpaulan ng biyaya sa gaganaping awarding ceremony ngayon sa Malacañang.

Ipinahayag ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez na nais ng Pangulong Duterte na personal na mabati ang mga atleta sa kanilang kabayanihang nagawa sa pagkapanalo sa biennial meet.

Hindi ipinagkait ng Pangulong Duterte ang presensiya sa send-off ng Team Philippines sa Malacanang.

“Masaya ang Pangulong Duterte sa panalo n gating mga atleta. Siya mismo excited na personal na maiabot sa kanila ang cash incentives,” pahayag ni Ramirez, patungkol sa programa na nakatakda ganap na 4:00 ng hapon.

“Medyo pasensya lang sa iba dahil limitado lang ang imbitado. Maliban sa mga atleta siyempre, kasama rin yun mga NSA president ng mga sports na nagwagi ng medalya,” sambit ni Ramirez.

Nagwagi ang Team Philippines ng 24 ginto – mula sa 23 sports – 33 silver at 64 bronze medal.

Batay sa Republic Act 9064, kilala bilang Incentives Act, nakatakdang tumanggap ang gold medalist ng P300,000, P150,000 sa silver winner at P100,000 sa bronze medalist.

Kabuuang P15,990,00 ang cash incentives na maibib igay sa 121 medals na napagwagihan ng Team Philippines sa KL SEAG na binubo ng 493 atleta.

Ang Fil-American na si Trent Anthony Beram, ang tatanggap ng pinakamalaking premyo matapos ang pagwawagi sa 200m at 400m, habang miyembro ng silver medal na men’s 4x100m relay.

Ang athletics ang may pinakamalaking cash incentives sa napagwagiang limang ginto, tatlong silver at 10 bronze, kasunod ang taekwondo na may dalawang ginto, tatlong silver, at apat na bronze, habang ang triathlon ay may dalawang ginto at dalawang silver.