Ni JIMI ESCALA

MAGWAWAKAS na ang A Love To Last na pinagbibidahan nina Bea Alonzo at Ian Veneracion. Bagamat hindi gaanong malaki ang role ni Enchong Dee ay lubos ang pasasalamat niya na napasama siya sa nasabing serye.

Kahit papaano ay importanteng papel pa rin naman daw ang ginampanan niya at nakasama niya si Bea na isa sa matatalik na kaibigan niya sa totoong buhay.

“Magkasama kami niyan sa isang dressing room, magkasama kami even outside the show. So, parang for us to survive these nine months of being together, tunay na kaibigan ko nga talaga si Bea. So, masayang-masaya ako,” sabi ni Enchong.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Talagang, puro pasasalamat lang ako ngayon. Okay naman sa akin lahat kasi kakaiba siya sa ibang mga nagawa ko nang teleserye. Medyo relaxed at naging maganda ang samahan naming lahat,” pag-amin ng aktor.

Pagkatapos ng A Love To Last, magkakaroon sila ng reunion project ni Erich Gonzales. Tuwang-tuwa si Enchong na hindi siya nababakante ng trabaho.

“Siyempre masayang-masaya at the same time excited. Kung masyado akong naging bitter sa shot na ito, eh, hindi rin naman, kumbaga, ako nagrereklamo or kung reklamador ako, eh, I don’t think bibigyan agad ng pagakakataon ng ABS na makatrabaho ulit,” seryosong lahad ng binata.