Ni: Jeffrey G. Damicog

Kasama na ang pangalan ni Monsignor Arnel Lagarejos, ang paring namataang magtutungo sa motel kasama ang isang 13-anyos na babae noong Hulyo, sa Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO).

Inatasan kamakalawa ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang Bureau of Immigration (BI) na ilagay si Lagarejos sa ILBO nang maghain ng reklamo ang biktima at ang nanay nito sa Department of Justice (DoJ) laban sa pari.

“Considering the gravity of the offense allegedly committed, there is a strong possibility that he may attempt to place himself beyond the reach of the legal processes by leaving the country,” saad sa memorandum ni Aguirre na naka-address kay BI Commissioner Dante Gierran.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“We thus deem the issuance of an ILBO against the subject person prudent in order to at least monitor the itineraries of his flight, travel, and/or whereabouts,” ani Aguirre.