Ni: Leonel M. Abasola

Ipagpapatuloy ngayong araw ng Senate Blue Ribbon Committee ang imbestigasyon nito sa P6.4 bilyon halaga ng shabu na nakalusot sa Bureau of Customs (BOC), at inaasahang dadalo ang sinasabing Davao Group (DG).

Ayon kay Senador Richard, inimbitahan nila si Davao City Councilor Nilo Abellara upang magbigay-linaw sa alegasyon ng broker na si Mark Taguba na hiningian siya ng DG ng P5 milyon bilang enrolment fee para malayang makadaan ang mga kargamento nito.

Ipatatawag din sa pagdinig sina alyas Tita Nani at Jojo Bacud, nagpakilalang customs officer, at isang Mike Saban, technical assistant ng Office of the Commissioner na kontak ni Taguba, at binigyan umano niya ng “tara” para sa mga illegal shipment.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Umaasa naman ang kampo ng nagbitiw na si Customs Intelligence chief Neil Anthony Estrella na mas bibigyan ng bigat ng Senado ang kanilang sakripisyo sa paghuli ng droga upang hindi ito kumalat sa merkado kaysa usisain ang legalidad ng kanilang operasyon.