Ni NORA CALDERON

FIRST time magkakasama sina Solenn Heussaff at Betong Sumaya bilang hosts ng musical show na All-Star Videoke.

Madalas na silang nagkakasama sa mga shows sa GMA, pero first time ito na sila ang lead hosts ng isang programa.

Labis-labis ang pasasalamat ni Betong na nakapasa siya sa audition para maging co-host ni Solenn pero pareho raw silang ninerbiyos sa first taping nila.

Human-Interest

KILALANIN: Mga alkalde ng Metro Manila na nasa huling termino na

solenn at betong copy

“Ewan ko po pero madalas na rin naman akong guest host, pero iba pala kapag ikaw na ang talagang host,” sabi ni Betong. “Pero sinisiguro ko po sa inyo na matutuwa kayo sa show nating ito.

“Kapag host dapat lively, saka dapat mahusay mag-Tagalog,” natatawa namang sabi ni Solenn. “Kaya dapat mag-aral pa akong mabuti ng Tagalog ko kasi I will give instructions sa mga contestant kung ano ang gagawin nila.”

Natawa si Solenn nang tanungin ng press kung pasasalihin ba niya ang asawang si Nico Bolsico as contestant sa show.

Ayaw nga raw niyang papasukin sa showbiz ang asawa kahit may inquiries, okey na sa kanya kung umaakting si Nico sa blog nito, pero sa TV at movies, hindi puwede.

Sa grand presscon ng All-Star Videoke, ipinagawa sa ilang entertainment reporters ang gagawin ng stars na sasali sa contest. Naging contestants sina Ambet Nabus, Erlinda Rapadas, Noel Orsal, Mercy Lejarde, Ervin Santiago at Nherz Almo. Si Nherz ang nanalo pero lahat sila ay tumanggap pa rin ng prices, na lahat ay bigay ni Solenn.

Anim ang star contestants ng show at may dalawa ring stars na judges, tatawaging ‘laglagers’, na pipili kung sino ang tatanggalin hanggang dalawa na lamang ang matitirang magkalaban. Ang mananalo ay tatawaging All Star Videoke Champ na puwedeng mag-uwi hanggang 100 thousand pesos cash prize.

Meron ding tatawaging “Super Oke” kung ang isang winner ay patuloy pang lalaban sa mga susunod na linggo.

Sa direksiyon ni Louie Ignacio, mapapanood na ang pilot episode sa September 3 (Linggo), pagkatapos ng 24 Oras Weekend. Papalitan nila ang Hay Buhay nina Vic Sotto at Ai Ai delas Alas, na final episode na bukas.