IINARESTO si Meek Mill sa New York nitong Huwebes ng gabi ilang oras pagkatapos magtanghal ng politically-charged song na The Tonight Show Starring Jimmy Fallon.
Kinumpirma ng People na nasa kustodiya ng pulisya ang 30 taong gulang na rapper matapos maaresto. Nagpalipas ng gabi sa Central Booking ang rapper bago humarap sa judge nitong Biyernes ng umaga.
Kinasuhan ng reckless endangerment ang dating boyfriend ni Nicki Minaj, pahayag ng spokesman ng NYPD sa People.Inaresto si Mill nang makita ng pulisya sa isang video sa Instagram na minamaneho ng rapper ang kanyang quad bike “around the streets of Upper Manhattan” ng nagdaang gabi.
Ayon sa mga awtoridad, sinakyan ng rapper ang kanyang bike sa isang delikadong paraan.
Lumabas din sa iba’t ibang social media sites ang video ng pagkakaresto sa hip-hop star nitong Huwebes, na makikitang sinasabi ng isang pulis na mayroong video si Mill na nagmamaneho “up and down the street.”
Paalis sa pakikipaglaro ng basketball ang All Eyes On You star – ipinanganak na Robert Williams – nang arestuhin ng mga pulis sakay ng kanyang kotse at hindi ng kanyang quad.
Hindi pa nakukunan ng pahayag ang kinatawan ni Mill.