NABIGO si Janelle Mae Frayna kay Hungarian Grandmaster Attila Czebe, ngunit nakabawi kontra Belgian Tim Peeters para manatiling pasok sa top 10 patungo sa ikasiyam at huling final round ng Brugse Meesters 2017 sa Brugge, Belgium.

Tangan ang 6.0 puntos, nakisosyo si Frayna sa ikalimang puwesto, at haharapin ngayong Huwebes si second seed GM Alexandre Dgebuadze ng Belgium sa final round.

Nagwagi rin si GM Jayson Gonzales, coach ni Frayna, kontra Englishman Andrew Stone.

Sunod na makakaharap ng dating National Chess Federation of the Philippines executive director si Dutch Eelke DeBoer sa final round.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

Nangunguna sina Dutch International Masters Lucas Van Foreest at Thomas Beerdsen na parehong may pitong puntos.

Suportado ang kampanya sa Europe ni Frayna ng Philippine Sports Commission, National Chess Federation of the Philippinesl, FEU’s Aurelio Montinola, Philippine STAR’s Miguel Belmonte at Edward Go at enate President Koko Pimentel at Bobby Ang.