Ni: Merlina Hernando-Malipot

Sa gitna ng nagpapatuloy na digmaan sa Marawi at iba pang kaguluhan sa bansa, isinusulong ni Education Secretary Leonor Briones ang paglalagda ng “Safe Schools Declaration” sa pagsisikap na maprotektahan ang mga mag-aaral, guro at tauhan ng Department of Education (DepEd).

Ang “Safe Schools Declaration” ay tumutukoy sa “inter-governmental political commitment that provides countries the opportunity to express support for protecting students, teachers, schools and universities from attack during times of armed conflict.”

Layunin din ng Declaration na bigyang-diin ang kahalagahan na maipagpatuloy ang pag-aaral sa panahon ng digmaan at pagpapatupad ng mga konkretong hakbang upang hindi magamit ng militar ang mga eskuwelahan.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Sa pagsali sa “Safe Schools Declaration,” sinabi ni Briones na nangangako ang estado na magsasagawa ng mga hakbang upang maiwas ang mga estudyante, guro, paaralan at unibersidad sa mga pag-atake, at mabawasan ang negatibong epekto sakaling mangyari ang mga ganitong pag-aatake.

Sa High-Level Social Development Goals Action Event on Education sa UN Headquarters sa New York nitong Hunyo, sinabi ni Briones na anuman ang hamong kinakaharap ng bansa, dapat na magpatuloy ang edukasyon.

“Education cannot wait, our learners cannot wait…we continue with the process so we can give hope and continuity, and contribute to the normalization of activities in the country,” banggit niya.

Sa 2nd International Conference on Safe Schools sa Buenos Aires, Argentina noong Marso, ipinaabot din ni Undersecretary for Administration Alain Del Pascua ang masidhing kampanya ng DepEd para maideklara ang mga paaralan bilang “zones of peace” at ang pagnanais nitong mahikayat ang gobyerno ng Pilipinas na lumagda sa Declaration.