Nina ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS at FRANCIS T. WAKEFIELD, May ulat nina Liezle Basa Iñigo, Beth Camia at Antonio Colina

IV

Sinabi kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang bantang pag-atake, gamit ang missiles, ng North Korea sa Guam ay labis na ikinabahala kahit na hindi ito direktang ipatatama sa nasabing bansa.

Ayon kay AFP spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla kasalukuyan nilang inaantabayanan ang kahit anong magiging epekto sa Pilipinas ng banta sa kabila ng kawalan ng gamit sa pagguwardiya sa bansa laban sa missile attacks.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“We don’t have anti-missile systems to put it down or to guard our country against such kinds of threat. What we do, however, is monitor it and any kind of telltale effect from that kind of incident,” pahayag ni Padilla sa Mindanao Hour press briefing kahapon ng umaga.

Kahit hindi direktang ipatatama sa bansa, nagbabala si Padilla sa mga taong nakatira malapit sa coastal areas sa pangambang doon magbagsakan ang mga debris ng missiles.

“On the civil defense side, pinaghahandaan natin kasi maaaring bumagsak ‘yung debris sa side ng Pacific. Kaya ang tatamaan ‘yung mga coastal areas ng ating bansa,” aniya.

“But we don’t see this as potentially hitting us in any way because it is directed towards an outer island in the Pacific itself,” dagdag ni Padilla.

“So whatever fallout it may have, maybe because of debris, if it disintegrates up there, these are things that are still in our preparations”.

MAY PAG-ASANG ‘DI ITULOY

Gayunman, nagpahayag si Padilla na may pag-asang mapakiusapan ang North Korea na huwag nang ituloy ang plano nitong pag-atake sa Guam.

Ito ay kasunod ng pagdalo ni North Korea Foreign Minister Ri Yong Ho sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) annual ministerial meeting sa Maynila noong nakaraang linggo.

“If they [North Korea] are intently going to do what they have been announcing [pasabugan ng missiles ang Guam], then the Foreign Minister would not have gone there [ASEAN ministerial meeting],” aniya.

Samantala, sinabi kahapon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na inaantabayanan niya ang tumitinding tensiyon sa pagitan ng United States at ng North Korea.

“Let’s see how things develop because they (North Korea and US leaders) have heated verbal exchanges. So I hope things cool down in the near future. Because in case North Korea launches missiles and targets Guam the U.S. might retaliate. They (referring to US) are not going to sit down there and wait for the missiles to hit Guam. That’s what I think,” sambit ni Lorenzana.

MILYONG PILIPINO MAAAPEKTUHAN

Nasa isang milyong Pinoy ang maaapektuhan sa planong pag-atake ng North Korea sa Guam.

Sa isang press conference sa Dagupan City kahapon, sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na ito ay nakaaalarma.

“Hindi maganda ang banta at talagang nakakabahala para sa mga Filipno na nasa Guam.” sambit ni Andanar.

Aniya, aabot sa 30,000 Pilipino ang nasa Guam.

SITWASYON SA GUAM NORMAL

Nananatiling normal ang sitwasyon sa Guam.

Ayon kay Philippine Consul General Marciano De Borja, walang kakaibang pagkilos at nananatiling kalmado ang mga residente roon.

Katunayan, aniya, walang nararanasang panic buying doon at patuloy sa pagkayod ang mga tao.

DOLE HANDANG UMAYUDA

Sinabi ng Department of Labor and Employment (DoLE) na handa nitong suportahan ang mahigit 100,000 overseas Filipino workers (OFWs) sa Guam.

“We have a ready program for them the moment a problem escalates there and we need to repatriate them through OWWA (Overseas Workers Welfare Administration),” aniya.